BY JOYCE BALDERAMA
Monday, October 18, 2021
Halos dalawang tao ang sugatan habang 12 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog na tumama sa Barangay Inarawan sa Antipolo City, nito lamang gabi ng lingo (Oktubre 17, 2021).
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ito sa pasadong alas-8 ng gabi at sa kabutihang palad naapula naman agad ang sunog 1 oras ang makalipas.
Isa sa mga nasugatan na biktima ay nakatapak di umano ng pako.
Ayon naman sa mga residente, isang naiwang kandila o lutuan sa ikalawang palapag ng isang bahay ang posimpleng naging sanhi ng sunog. Ito ang nakikitang posibilidad ng pagkasunog ng higit 7 kabahayan na mahigit 14 pamilya ang naapektuhan.
Agaran namang inilikas ang mga biktima ng sunog sa kalapit na day care center at binigyan ng mga relief packs.
Problemada naman ang mga pamilyang nasunugan dahil wala ni isa silang naisalba na mga gamit, ngunit giit ng isa sa mga residente ay “mahalaga naman ay ligtas at buhay pa sila.”
Pinili na muna ng mga residente na manatili sa modular tent malapit sa mga nasunog nilang bahay upang mabantayan at madaling mabalikan ang mga ito.
Comments